
Maraming nagulat sa ibinunyag ni RR Enriquez kung paano nag-umpisa ang kanilang relasyon ng asawa na niya ngayon na si Jayjay Helterbrand.
Sa kanilang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni RR kung paano nagsimula ang kanilang relasyon bilang siya ang third party ng basketball player.
"Kasi si Jayjay, talaga aminado naman siya playboy po talaga siya. Before niya ako naging girlfriend mayroon po siyang girlfriend po talaga. So we were a thing," inamin ni RR.
Kahit naging opisyal na silang magkasintahan, patuloy pa rin naging cheater si Jayjay kay RR. Dahil alam niyang nagsimula ang kanilang relasyon bilang third party, inisip ni RR na ito ang kaniyang karma sa pagsira noon ng relasyon ni Jayjay at ng kaniyang ex-girlfriend.
Ngunit hindi umatras ang celebrity sa awayan at siya mismo raw ang nagme-message sa mga babaeng gusto umagaw kay Jayjay.
"Marami akong na-message na mga babae. Talagang inaaway ko parang nag-e-enjoy ako," pahayag niya.
Pero noong naging malapit na ang kaniyang asawa sa Diyos, tila raw malaking pagbabago ang nangyari sa basketball player.
"'Yung first two years namin Tito Boy medyo rocky 'yung relationship namin. Tapos naging Christian si Jayjay. Kaya nagtagal kami ng 15 years kasi sobrang tumino naman. Hindi nangbababae," kuwento ni RR.
Pabirong dagdag pa niya,"Ako naman 'yung parang naghahanap ng kaaway."
Nagbago rin daw si RR noong naging Kristyano siya at siniguro pa niyang humingi ng patawad sa dating girlfriend ni Jayjay. Ngayon ay okay na sila ng babae at naging magkaibigan pa silang tatlo ni LJ Moreno.
"Yes, I apologize kasi syempre bata, 'di ba parang bata hindi ka nag-iisip. Naagawan kasi ako ng jowa dati Tito Boy. Kaya sabi ko, 'Ah ganoon, ah? Agawan pala ng jowa ang mangyayari ah.' So ganoon po ginagawa ko dati. Hindi ako proud pero ganoon po 'yung ano thinking ko" paliwanag ni RR.
Related gallery: LJ Moreno, RR Enriquez reveal spicy facts about relationship