
Naging emosyonal si dabarkad Ruby Rodriguez nang magkuwento sa 24 Oras tungkol sa nalalapit na kasalanan ng kanyang best friend na si Pauleen Luna at Vic Sotto.
By CHERRY SUN
Naging emosyonal si dabarkad Ruby Rodriguez nang magkuwento sa 24 Oras tungkol sa nalalapit na kasalanan ng kanyang best friend na si Pauleen Luna at Vic Sotto.
Ibinahagi ni Ruby na kay Pauleen daw siya humuhugot para sa madrama at mabigat na eksena niya sa Magpakailanman.
READ: Ruby Rodriguez, bibida sa 'Magpakailanman' kasama si Derrick Monasterio
“Picture namin ni Pauleen [tinitignan ko]. Naiyak na ako. Syempre, ile-let go ko na ‘yung baby ko eh. Nile-let go ko na ‘yung baby ko kasi woman na siya,” sambit ni Ruby.
Malaki raw ang papel na ginagampanan niya bilang matron of honor sa kasal ng dalawang matalik niyang kaibigan.
READ: Dabarkads at Miss Universe Pia Wurtzbach, kasama sa wedding entourage nina Vic Sotto at Pauleen Luna
Aniya, “Food tasting, syempre magkasama kami. Nagstart kami food tasting as in 11am. Alas dos na hindi pa tapos sa dami nung pagkain.”
“Of course the preparations like ano nagdi-discuss kami like where, how, which one. Mga fittings, papadala niya sa akin ‘yung picture. ‘Okay ba ‘to?’ Lahat, I mean I know the whole flow like the programs and all,” dagdag din ni Ruby.
Hindi man nagbigay ng iba pang detalye, ang siguradong ibinahagi ni Ruby ay maganda raw ang bride sa araw ng kanyang kasal.
Bida niya, “She’s beautiful to begin with. I can imagine how beautiful she is [on her wedding day]. Eto lang ang parati niyang sinasabi sa akin, every day ‘to ah, ‘Feeling ko mas iiyak ka kaysa sa akin. Feeling ko..’”
Anong klaseng kasalan nga ba ang magaganap sa pagitan nina Bossing at Poleng?
“They’re a very simple couple so they really want the wedding very simple, very intimate,” ani Ruby.