
Ramdam ang galit ng former Owe My Love star na si Ruby Rodriguez tungkol sa isang malisyosong post sa Facebook tungkol sa kaniyang anak.
Matatandaan na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2021, nag-migrate na si Ruby sa Amerika at nag-trabaho sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.
Kaya naman nabahala si Ruby nang makita niya ang 'fake news' na i-pinost ng account na 'Pinas Star' kung saan sinabi nito na meron daw siyang anak sa dating co-host sa isang noontime show, ang kasalukuyang Senate President na si Tito Sotto.
Matapang ang iniwang pahayag ni Ruby sa fake information na kinakalat at sinabi niya na kukonsulta siya sa isang lawyer.
Aniya, “I'm going to consult my lawyer regarding this matter. This malicious content is harming my family and innocent child. This is too much!”
May dalawang anak si Ruby Rodriguez na sina Toni at AJ.