
Lubos ang pasasalamat ng seasoned actress na si Ruby Ruiz na sa kanyang edad ay nakukuha pa rin siya para maging lead actress sa ilang mga proyekto.
Isa na rito ang upcoming family drama film ni Joven Tan, ang Outside de Familia, kung saan makakasama niya ang theater actress na si Shiela Francisco at si Gelli De Belen.
“Salamat naman at umabot sa lifetime namin,” pabirong sabi ni Ruby nang tanungin tungkol sa tila nagiging trend na pagbida ng veteran actors.
Dagdag pa niya, “Hindi, seriously, natutuwa ako na ang audience, que bata, que matanda, basta siguro maganda ang kuwento at mahusay yung pagkakaarte mo, bebenta. So, broader na ang mga manonood natin, lalo na yung mga kabataan. Kasi, nagugulat ako, lalo na yung mga kabataan natin, 'Ay, napanood ko po kayo sa…' Talaga ba? Yung ganun, nakaka-touch.”
Matatandaan hindi na lamang sa Pilipinas nakikita si Ruby na umaarte. Naging bahagi siya ng limited series na Expats, na pinabibidahan ng Hollywood actress na si Nicole Kidman. Bukod dito, bida naman si Ruby sa Australian film na First Light, na kalahok sa Melbourne International Film Festival.
Ayon kay Ruby, hangga't maaari ay ayaw niyang mabakante sa trabaho kaya hiya hindi raw siya masyadong pihikan sa pagpili ng proyektong gagawin.
Biro pa niya, “Nakokontian nga po ako.”
Sabay paliwanag, “Totoo, kasi parang nanghihina ako, itanong mo pa, sa bahay ako talak nang talak. Honestly, di ba, matagal na ang project 'tapos di mo pa maipo-post.
“Ako po, kung pwede akong araw-araw magtrabaho, mas gusto ko po, kasi ito na ang buhay ko. So, parang mas nagkakaroon ng saysay ang the rest of my remaining years sa pag-arte.
“Kaya kunwari natigil ang pagganap ko, parang nade-derail ako. Kaya kung hindi man ako umaarte, nagko-conduct naman ako ng workshop. Of course, mas preferred ko yung umaarte po.”
Dagdag pa niya, sa pelikulang Outside de Familia, hindi niya naisip na siya ang bida.
“Basta gustung-gusto ko lang yung role. As we were doing it, siyempre, ang dami palang mga eksena, doon ko lang na-realize. Kasi nga ako, basta't pupuwede kong iarte, nababagay sa akin, at kaya kong gawin--que bida ako o hindi, kahit cameo roles, e.”
Pabirong tinanong ng media si Ruby kung payag din siya sa temang tila May-December affair.
“Oo, kayang-kaya ko!” agad-agad na sagot niya.
Ang unang aktor na nabanggit niya na gusto niyang makatrabaho ay si Dennis Trillo. 'Tapos ay dinagdag niya sina Piolo Pascual at Joshua Garcia.
Natatawang sabi niya, “Dennis Trillo, Piolo Pascual, Joshua Garcia. Lola, ang kapal ng mukha! Seryoso rin ako, natatawa lang ako.”
Pagkatapos ay ipinaliwanag ng beteranang aktres ang kanyang mga napili.
“Si Dennis, naggagwapuhan ako sa kanya. Kasi, kung halimbawa ganun ang plot, siguro malaking factor ang physical ng character, na ma-attract sa younger character. So, si Dennis naga-gwapuhan ako. Si Piolo, ganun din, gwapo. Alam naman ni Piolo na matagal na akong may gusto sa kanya. 'Tapos si Joshua Garcia, I find the… he's very charming at mahusay umarte.”
Bukod sa tatlong aktor, nabanggit din ni Ruby na crush niya dati si Ariel Rivera, ang asawa ng kanyang co-actor na si Gelli de Belen.
Meanwhile, here are Filipino actors who did acting projects abroad: