GMA Logo Rufa Mae Quinto
Celebrity Life

Rufa Mae Quinto, binalikan ang araw na ipinanganak si Alexandria

By Aedrianne Acar
Published September 20, 2021 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto


Isinilang ng award-winning comedienne ang anak nila ng kanyang asawang si Trevor Magallanes noong February 2017.

May kurot sa puso ang throwback Instagram post ng former Bubble Gang star na si Rufa Mae Quinto patungkol sa kanyang four-year-old daughter na si Alexandria.

rufamaequinto IG

Sa kanyang post, inalala nito ang mga unang araw pagkatapos niyang isilang ang anak nila ng Fil-Am husband na si Trevor Magallanes.

Aminado si Rufa na nanginginig siya sa tuwing karga ang kanyang anak noon.

Pagbabalik-tanaw niya, “I can't forget when I gave birth, nanginginig ako sa kaba, kapag karga ko sya. Masaya , masarap, masakit pero sulit Lang mabigyan ng anak, family blessing ... amen happy Sunday y'all ! Go go gold!”

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)

Kasalukuyang nasa Amerika si Rufa Mae Quinto kasama ang mister at anak. Busy din siya sa kanyang YouTube channel na 'The Wander Mamas' kung saan katuwang niya dito ang dating aktres na si LJ Moreno-Alapag.

Balikan ang dream wedding nina Rufa Mae at Trevor noong November 2016 sa gallery below.

Tingnan din ang naging body transformation ni Rufa Mae a year after giving birth: