GMA Logo Rufa Mae Quinto
Photo by: Rufa Mae Quinto (IG)
What's Hot

Rufa Mae Quinto celebrates end of investment scam case against her

By EJ Chua
Published May 3, 2025 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Catholics urged to be ‘sign of God's presence’ at Christmas Eve Mass
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto


Rufa Mae Quinto matapos ma-quash ang kaso laban sa kanya: “Hooray! I'm free as a kite.”

Ramdam na ramdam ang saya ni Rufa Mae Quinto matapos pawalang bisa ng korte ang mga naunang desisyon sa kaso laban sa kanya.

Kaugnay ito ng 14 counts na inihain sa kaniya ng 39 na katao dahil umano sa paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code.

Kasunod ng magandang balita na ito para sa actress-comedienne, inanunsyo ni Rufa sa kaniyang Instagram account na siya ay malayang malaya na ngayon.

Sulat niya sa caption ng kaniyang Instagram post, “FFFF Hooray! Na-quash na case. I'm free as a kite. Malayang malaya,” paglalarawan pa niya sa kaniyang sarili…”

Parte rin ng kaniyang post ang pahapyaw niya sa umano'y bago at malaking kaganapan sa kaniyang buhay.

Ayun, nagpa-fresh ako, pampering, consultation… preparing for something new and big. Ako na rin nag makeup to myself. Iba rin nagagawa kapag malaya sa kaso.”

Sa huling parte ng kaniyang post, ipinaabot niya ang kaniyang pasasalamat sa mga taong nagtiwala sa kaniya sa kabila ng kinaharap niyang pagsubok.

Pahayag niya, “Salamat sa inyong lahat na naniwala at nagtiwala sa akin.”

A post shared by Rufa Mae Quinto (@rufamaequinto)


Matatandaang ang kaso laban kay Rufa Mae ay kaugnay sa mga isinampang reklamo ng investors laban sa Dermacare, isang beauty clinic, kung saan isa ang aktres sa celebrities na kinuha bilang endorser.

Related gallery: Celebrities na ginamit ang pangalan para ipang-scam