What's on TV

Rufa Mae Quinto, gaganap bilang Tess Bomb sa bagong episode ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published September 22, 2022 10:41 AM PHT
Updated September 23, 2022 10:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

David Beckham talks about power of social media, says 'children are allowed to make mistakes'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto on #MPK


Bibigyang-buhay ni Rufa Mae Quinto ang kuwento ng kapwa komedyanteng si Tess Bomb sa bagong episode ng '#MPK.'

Siguradong matatawa at maiiyak ang mga manonood sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Tampok kasi dito ang buhay ng komedyanteng si Tess Bomb at kapwa niyang komedyante na si Rufa Mae Quinto ang magbibigay-buhay sa kanyang kuwento.

The Tess Bomb Story on MPK

Hindi lang mahusay, kundi napakasipag pa ni Tess Bomb bilang isang komedyante. Tuloy-tuloy ang pagtanggap niya ng hosting gigs at acting jobs. Nagsusumikap siyang magtrabaho para sa kanyang pamilya. Pero tila nasobrahan sa kasipagan si Tess kaya napabayaan niya ang kanyang kalusugan.

Bukod dito, naisakripisyo na rin niya ang pansariling kaligayahan.

Alamin ang naging buhay ni Tess Bomb sa sa brand new drama-comedy episode na pinamagatang "Laughter and Tears: The Tess Bomb Story," September 24, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: