
Gaya ng isang komedyante, idinaan ni Rufa Mae Quinto sa biro ang pinagdadaanan niyang depression mula sa pagpanaw ng kaniyang asawa na si Trevor Magallanes.
Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Rufa ng isang video kung saan makikita siyang umiinom ng kape, at kinakausap ang camera.
Pagbati ni Rufa, “Good morning, friends! They say that every gising is a blessing. But for me, every gising is an eye opening experience. Coz when you gising, you have to open your eyes first, di ba?”
Ayon pa ng aktres, muli siyang umiinom ng kape dahil sa kabila ng mga nangyari sa kaniya, depressed pa rin siya sa pagpanaw ng kaniyang dating asawa.
“So today, instead of my favorite espresso, I'm having depresso! And I'm drinking it de-mug coz it's not decaf! With it, I'm also wearing my coffee shirt coz if I'm drinking tea, I will be wearing a t-shirt!” sabi ni Rufa.
Aniya, marami siyang realizations dahil sa mga nangyari kamakailan lang at magbibigay siya umano ng statement sa kaniyang YouTube channel.
“One realization is that now ko lang nalaman that Cappuccino & Frappuccino pala are not Chinese but Italian. So be careful, coz pronounciations, just like looks, can be this evening! So, go, go, Google!” sabi ni Rufa.
“Til my next coffee break! Cheers!” pagtatapos ni Rufa ng kaniyang post.
Matatandaan na noong January ay sumuko si Rufa Mae sa NBI matapos madawit ang kaniyang pangalan at makasuhan ng paglabag sa Securities Regulation Code, o Republic Act No. 8799, ng derma company na ineendorso ng komedyante.
Samantala, noong July naman nang kumpirmahin ni Rufa ang pagpanaw ng kaniyang asawa na si Trevor na nasa America noon, habang nasa Pilipinas sila ng anak na si Athena. Hindi pa naglalabas ng dahilan ng pagpanaw noon ng kaniyang asawa ang ospital kaya pinakiusapan ng komedyante ang publiko na antayin ang statement na manggagaling mismo sa kanila.
“We are still gathering factual information about his death. Even us or his immediate family are still verifying what happened. So we kindly ask his friends or anyone to stop spreading fake news or mere speculations about his death,” sabi ni Rufa.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA NAWALAN NA RIN NG MGA MAHAL SA BUHAY SA GALLERY NA ITO: