GMA Logo rufa mae quinto
What's on TV

Rufa Mae Quinto, ipinaliwanag ang ibig sabihin ng 'Go, go, go!'

By Jimboy Napoles
Published September 8, 2023 7:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH Embassy in Thailand advice Filipinos to be cautious, vigilant
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

rufa mae quinto


Ano nga ba ang ibig sabihin ni Rufa Mae Quinto sa tuwing sinasabi niya ang “Go, go, go?”

“Go, go, go!”

Ito ang laging sinasabi ng comedienne-actress na si Rufa Mae Quinto sa kanyang mga guesting, interview, series, at kung saan-saan pa. Pero ano nga ba ang ibig niyang sabihin dito?

Sa September 8 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, muling nakapanayam ng batikang TV host na si Boy Abunda si Rufa.

Dito ay ipinaliwanag ng batikang komedyante kung ano nga ba ang ibig sabihin ng kanyang mga litanya gaya ng “Go, go, go!”

Paliwanag ni Rufa, pampalakas ng loob upang magpatuloy sa buhay ang kanyang mga sinasabi.

Aniya, “Go, go, go! Kasi parang in life nga kailangan mo na lang itawid. Ituloy mo lang basta naniniwala kang maganda ito, tama ito, feel mo ito, go, go, go, fight fight fight, 'wag tayong tumigil.”

Matapos ito, agad na nagtanong si Boy tungkol sa estado ng buhay ngayon ni Rufa. Aniya, “Sa estado ng buhay mo ngayon, are you content?”

Sagot naman ni Rufa, “Yes, content, and content creator at the same time.”

Bagamat nagtawanan ang mga staff sa studio sa naging sagot ni Rufa, ay agad niya rin itong ipinaliwanag.

“Hindi, literally kasi nga meron akong YouTube, may reels ako, kaya masayang-masaya ako na malaya akong gawin kung ano lang 'yung feel ko ganun,” anang comedienne-actress.

Samantala, mapapanood naman si Rufa bilang isa sa cast ng Phlippine version ng Comedy Island, isang “unscripted unique series” ng Prime Video.

Makakasama rito ni Rufa ang mga mahuhusay na aktor, host, at kapwa komedyante na sina Kapuso stars Drew Arellano, Cai Cortez, aktor na si Carlo Aquino, Andrea Brillantes, Jerald Napoles, Awra Briguela, at content creator na si Justine Luzares.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.