
Kung dati ay natatakot ang Bubble Gang actress na mabuntis, ngayon ay tinatawag niyang “pinakamasayang yugto ng pagkatao” at “pinakamagandang regalo galing sa [Maykapal]” ang ipinagbubuntis niya.
“Napaka ganda [niya], matangos [ang] ilong, deep set na almond eyes, full lips, complete [siya] and perfectly daw,” ang paglarawan ni mommy-to-be Rufa Mae Quinto sa binubuntis niyang baby girl na si Alexandria Magallanes.
Sa third trimester ng kanyang pagbubuntis, may bigat nang 3 lbs, 5 oz ang kanyang unica hija at may heart beat na 142. “Makulit” raw ang kanyang anak sa loob ng kanyang tiyan.
Kung dati ay natatakot ang Bubble Gang actress na mabuntis, ngayon ay tinatawag niyang “pinakamasayang yugto ng pagkatao” at “pinakamagandang regalo galing sa [Maykapal]” ang ipinagbubuntis niya.
LOOK: Rufa Mae Quinto proudly shows off her baby bump in a photo shoot
Ito raw ay dahil sa pagmamahal ng kanyang asawa na si Trevor Magallanes kaya handa siya sa hinaharap na pagbabago sa kanyang buhay.
Ikinatuwa ng aktres, “Hindi na ako mag-iisa kahit kailan. Kumpleto na ang buhay ko at may sarili na akong pamilya! [Ito] na nga [ang] mabuhay ang bagong kasal!”
IN PHOTOS: Rufa Mae Quinto, sexy kahit preggy