GMA Logo Rufa Mae Quinto as Ynang Reyna
What's Hot

Rufa Mae Quinto, natuwa sa viral photo niya bilang si Ynang Reyna Mine-a

By Aedrianne Acar
Published June 25, 2021 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto as Ynang Reyna


Pinusuan ng former 'Bubble Gang' star na si Rufa Mae Quinto ang viral photo niya bilang si Mine-a ng 'Encantadia' kasama pa ang apat na magagaling na comedienne na puwede raw gumanap bilang mga sang'gre.

To the highest level!

Tuwang-tuwa ang award-winning comedienne na si Rufa Mae Quinto nang makita ang trending na photoshopped photo niya bilang si Ynang Reyna Mine-a.

Gumanap bilang Mine-a sa hit prequel ng telefantasya series na Encantadia si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera noong 2016.

Sa Instagram post ni Rufa Mae, makikita rin ang edited na photo nina Candy Pangilinan, Eugene Domingo, Aiai Delas Alas, at ang pinakabagong Kapuso na si Pokwang bilang sina Sang'gre Amihan, Pirena, Alena, at Danaya.

“I love you Philippines ulit and @facebook !

“Pa trending din tayo sa Facebook naman !

“Go go go!

“Encantodo na to! Yassss!"

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)

Pinusuan naman ng followers ni Rufa Mae ang nakatutuwang photo nila bilang mga sang'gre.

Kung maalala n'yo, nagbigay daan ang Encantadia para lalo makilala ang ilan sa big names ngayon sa GMA-7 tulad nina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Rocco Nacino, Kylie Padilla, Ruru Madrid, at Sanya Lopez.

Kasama rin sa telefantasya series noon sina Dingdong Dantes, Solenn Heussaff, Mikee Quintos, Kate Valdez, Pancho Magno, at Carlo Gonzalez.