Rufa Mae to sister Kyla: "All our hard work paid off. I feel smart also kasi sa akin ka nagmana."
By AEDRIANNE ACAR
Super proud ang veteran comedienne na si Rufa Mae Quinto nang malaman niya na pumasa sa board exam ang kapatid niyang si Kyla at ngayon ay certified public accountant na.
Sa post ng Bubble Gang star last week sa Instagram, walang pagsidlan ang tuwa ni Rufa Mae dahil nagbunga ang lahat ng paghihirap ng kapatid. Biro pa nito na mana raw talaga si Kyla sa kanya na graduate ng University of Santo Tomas.
Sabi niya sa kanyang post, “And now... You are a certified accountant ! Thanks and congrats @kylasyyy for passing the board exam and CPA ka na.. I'm so proud of you ! All our hard work paid off.. I feel smart also kasi sa akin ka nag mana. I woke up , reading the good news! I wanna celebrate with my family . Thank you #ust #thomasian #accountang #accounting #boardexam #bourd #board #bored. Zumba, Yoga pa more !! Wake up na @sygiejan ! Magandang balita, maganda Ako, magandang umaga”