GMA Logo Rufa Mae Trevor  Athena Magallanes
Celebrity Life

Rufa Mae Quinto, "sariling sikap" sa birthday party ng anak sa Amerika

By Jimboy Napoles
Published February 17, 2022 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Trevor  Athena Magallanes


Nagging busy daw ang beauty ng celebrity mom nasi Rufa Mae Quinto para sa birthday party ng anak na si Athena.

Masayang ipinagdiwang ng batikang komedyante at aktres na si Rufa Mae Quinto kasama ang kanyang asawa na si Trevor Magallanes ang ikalimang kaarawan ng kanilang anak na si Athena sa Amerika.

Kuwento ni Rufa Mae sa Instagram, nag-sariling sikap daw siya sa pag-aayos ng birthday party ng anak.

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)

Aniya, "Athena's 5th birthday, with her playmates. Sariling sikap dito sa America tapos biglaan pa kaya busy talaga ang beauty ni mommy Rufa."

Nagpasalamat naman ang aktres sa kanyang mga kaibigan na dumalo sa kaarawan ng anak kahit biglaan ang kanyang imbitasyon.

"Thanks, mga friends, na naging helpful and for coming kahit it's urada ang invite hehe," ani Rufa.

Ang mahalaga raw para kay Rufa ay nairaos nila ni Trevor ang kaarawan ng kanilang unica hija.

Saad niya sa kanyang post, "Ang mahalaga nairaos naming mag asawa @trevvvsilog ang birthday party."

Nobyembre 2016, nang ikasal sina Rufa Mae at Trevor sa Pilipinas. Biniyayaan naman sila ng anak na si Alexandria Magallanes o Athena, Pebrero 2017.

Kasalukuyang naninirahan ngayon sa Amerika ang pamilya ni Rufa. Silipin ang kanilang masayang buhay doon sa gallery na ito: