
Ultra proud ang nagbabalik-showbiz na komedyana na si Rufa Mae Quinto sa achievement ng anak nitong si Alexandria. Nasa cover kasi ng isang Hollywood magazine ang kanyang five-year-old daughter.
Rufa Mae shared the good news sa kanyang social media followers at talaga namang buong pagmamalaki niya itong ikinuwento.
Aniya, "Ang anak kong si @alexandriamagallanes in Hollywood magazine... Hiling ko lamang na ma picture capture namin ang milestones nyang maging 5 years old, sa swerte, nakuha s'ya mag model sa magazine na ito. I'm so proud of her! Speechless, kasi parang ang bilis ng panahon, umabot na tayo anak sa nag modeling together. Happy Mother's Day and happy voting everyone!"
Samantala, silipin ang iba pang cute at loveable photos ni Alexandria Magallanes sa gallery na ito: