
Magsasama sina beauty queen actress Ruffa Gutierrez at young Sparkle star Kayla Davies sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Gaganap sila bilang mag-ina sa episode na pinamagatang "The Grand Getaway."
Si Ruffa ay ang sosyal na si Karina, habang si Kayla naman ang spoiled niyang anak na si Kira.
Magbabakasyon sina Karina at Kira sa isang engrandeng hotel. Pero sa kalagitnaan ng kanilang luxurious na bakasyon, bigla silang mauubusan ng budget.
Dahil walang pambayad, mapipilitang magtrabaho sa hotel ang mag-ina.
Ma-survive kaya nina Karina at Kira ang pagkuskos ng mga sahig, pagsisilbi sa ibang guests, at iba pang mabibigat na trabaho?
Huwag palampasin ang bagong episode na "The Grand Getaway," August 3, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents. Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.