
Bibida ang aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez sa upcoming series na Beauty Empire. Makakasama niya dito sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara.
Sa pagbisita ni Ruffa sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, June 12, ibinahagi niya na ito ang unang pagkakataon na makatrabaho niya sina Barbie at Kyline. Aniya, napakabait ng dalawang co-stars niya at madalas din silang makinig sa mga kwento niya.
“I mean they share a tent, ako naman, I have my own tent, but I think the camaraderie we have on the set is nice. Hindi kami super magkabarkada kasi they still kinda like still look up to me, pero nakikinig sila kapag nagkukwento ako, lalo na tungkol sa love,” sabi ni Ruffa.
RELATED FEATURE: LOVE ADVICE NINA RADIO DJS PAPA DUDUT AT AT PAPA OBET SA KAPUSO STARS
Pagbabahagi ng aktres, marami na siyang love advice na nabigay kina Barbie at Kyline, at isa sa mga ito ay huwag silang papayag na makipag-live in.
Pagpapatuloy pa ng aktres, “Well, you should date someone more successful than you. If you're a hard worker and you earn your own money, pero lahat tayo, minsan, nagiging tanga sa pag-ibig.”
Tanong naman ni King of Talk Boy Abunda, “Pag nagiging tanga ka sa pag-ibig, what should one do?”
Sagot ni Ruffa, “Pag nagiging tanga sa pag-ibig, kailangan isipin mo kung sino ka as a person. Have self respect, and wait for the person that's really deserving of your love. Don't settle for less.”
Matatandaan na sa simula ng taon, nitong January, ay inanunsyo ni Barbie ang paghihiwalay nila ng long-time boyfriend na si Jak Roberto. Samantala, nitong Abril, nakumpirma ang mga balita na hiwalay na sina Kobe Paras at Kyline Alcantara.
Panoorin ang panayam kay Ruffa dito: