
Isang magandang balita tungkol sa kanyang academic life ang ibinahagi ni beauty queen and actress Ruffa Gutierrez.
Sa kanyang Instagram account, ipinakita ni Ruffa ang ilang kuha mula sa Philippine Women's University kung saan kumukuha siya ng master's degree sa communication arts.
Ayon kay Ruffa, matagumpay niyang na-defend ang kanyang thesis proposal.
Source: iloveruffag (IG)
"One step closer to that Master's degree! I successfully defended my thesis proposal at @mypwu_official today," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Pinasalamatan din niya ang mga taong tumulong sa kanya para makarating sa stage na ito ng kanyang pag-aaral.
"To my advisor, Dr. Shirley Padua, thank you for your guidance and patience. And to everyone who has been cheering me on, this milestone is for you too," saad ni Ruffa.
Pinaalala rin niya sa kanyang followers na hindi pa huli para magsimula muli o ituloy ang mga naudlot na pangarap.
"I'm living proof that balancing work, family, and school is not easy but it is worth every moment. This journey continues to remind me that it's never too late to chase your dreams and finish what you started," aniya.
Maipagmamalaki din daw ni Ruffa ang desisyon niya na bumalik sa paaralan.
"Growth doesn't stop, no matter your age or the season you're in. I'm proud of myself for choosing to learn again, to challenge myself, and to keep evolving," pagpapatuloy niya.
Umaasa din daw siya na maraming ma-inspire sa kanyang academic journey.
"To anyone out there who feels like it's too late, you've got this!!" pagtatapos niya sa caption ng kanyang post.
Matatandaang nakamit ni Ruffa ang kanyang bachelor's degree sa communication arts sa PWU noong 2022, sa edad na 48.
Noon namang December 2025, inanunsiyo niyang bumalik siya sa pag-aaral para naman sa master's degree, sa edad na 51.
Samantala, naging busy si Ruffa noong nakaraang Enero sa Singapore para samahan ang tatay na si Eddie Gutierrez para sa ilang medical procedures matapos magkaroon ng spinal infection.
Nasa maayos na lagay na ang aktor at kasalukuyang nagpapagaling.