GMA Logo Ruffa Gutierrez and Venice Bektas
What's Hot

Ruffa Gutierrez, pumayag na makausap ng anak na si Venice ang amang si Yilmaz Bektas?

By Aedrianne Acar
Published May 14, 2022 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang eleksyon, 1897 — Ugat ng hidwaan nila Aguinaldo at Bonifacio | Howie Severino Presents
Fur mom who saves dogs from fire in Mandaue City commended
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Ruffa Gutierrez and Venice Bektas


Taong 2007 pa nang maghiwalay si Ruffa Gutierrez at Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, ang ama nina Lorin at Venice Bektas.

Nabigyang linaw sa panayam ni Ogie Diaz kay Ruffa Gutierrez ang estado ng relasyon ng mga anak niya sa dati nitong asawa na si Yilmaz Bektas.

Nagkahiwalay si Ruffa at Yilmaz taong 2007 at na-grant ang kanilang annulment taong 2012.

Ayon sa kuwento ng Miss World 1993 second runner-up, nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap sina Yilmaz at Venice noong nakaraang Holy Week.

Saad ni Ruffa sa mga nangyari, “For the longest time wala silang communication and it was only this Holy Week, when the sister of Yilmaz reached out to me and said, 'Yilmaz had a dream about Venice. Is he okay?'

“So, I told Venice, 'Are you okay? [Inaudible] reached out to me and she's worried.”

Tugon ni Venice, “Give Baba my number, mommy. I'm old enough.”

Umamin si Ruffa na hindi niya direkta pinapakausap sina Lorin at Venice sa kanilang tatay. Paliwanag niya, “Kasi dati, hindi ko ibinibigay 'yung number, e. Lahat thru me.

“Kasi mga bata pa sila noon, but now Venice is 17, Lorin is 18. Nung nandoon kami sa Boracay, na-stranded kami for 24 hours. Ibinigay ko 'yung number ni Venice, nag-usap sila mag-ama.”

Dito, ibinahagi na naging emosyonal ang phone call nina Venice at Yilmaz.

Pagbabalik-tanaw ng TV host-actress, “Siyempre nag-iyakan na naman. I think andiyan pa rin 'yung pain talaga ng mga bata that they grew up without a dad.

“Life could be worse, but I think that's in their heart. 'Yung pain na feeling nila, na in-abandon sila ng tatay nila.”

Hiling ng anak na babae ni Annabelle Rama, “And I hope one day magkita sila, magkausap sila, and he can be a father to the kids.”

Payag naman kaya sina Lorin at Venice na magkarelasyon nang muli ang Mommy Ruffa nila?

Alamin ang naging sagot nila sa vlog ni Ogie:

Tingnan ang sweetest photos ni Ruffa kasama ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice: