GMA Logo Ruffa Gutierrez
Photo by: Eat Bulaga; iloveruffag (IG)
What's on TV

Ruffa Gutierrez reveals reasons why she finished college at 48

By Aimee Anoc
Published October 20, 2022 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation constructs bridge in Rodriguez, Rizal
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Ruffa Gutierrez


Noong Setyembre, natapos na ni Ruffa Gutierrez ang bachelor's degree sa communication arts.

Proud si Ruffa Gutierrez sa malaking achievement na nakamit para sa sarili.

Noong Setyembre, natapos na ng aktres ang bachelor's degree nito sa communication arts sa Philippine Women's University (PWU) sa edad na 48.

Sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga noong Lunes, October 17, ibinahagi ni Ruffa kung bakit nagpursige siya na makapagtapos ng pag-aaral.

"With the help of my friends, my parents, at mga anak ko, talagang gusto kong tapusin. So at least kapag nakita ng mga anak ko na nag-aaral 'yung nanay nila mas magpupursige sila na mag-aral din," sabi ni Ruffa.

Photo by: iloveruffag (IG)

Ayon sa aktres, masaya siya na nakapagtapos ng kolehiyo para na rin maging magandang ehemplo sa kanyang mga anak. Payo niya, "Ngayon wala na talagang dahilan para hindi kayo mag-aral. Kailangan talaga mag-aral kayo and follow your mom's footsteps.

"Kasi 'yung mga anak ko parang, 'Hindi ka naman nakapag-aral. Excuse me, street smart naman ako. I've been working at the age of 13. Thirteen years old, nag-aaral na ako.' Pero iba pa rin talaga kapag may degree ka."

Sa ngayon, ipinagpatuloy ni Ruffa ang pag-aaral at kumuha ng master's degree sa communication arts sa PWU.

"Nung nag-graduate ako ng Bachelor of Arts, nung college degree... imagine graduating at my age after not studying for more than 30 years, parang hinahanap ko na ngayon.

"Sabi ko, 'Ano pa bang puwede kong pag-aralan? Mag-certificate course ba ako or ipagpatuloy ko?' Naisip ko na ipagpatuloy na lang. I'm very proud about that."

Bago matapos, nagbigay ng mensahe si Ruffa para sa mga taong gusto ring bumalik sa kanilang pag-aaral. "It's never too late para ipagpatuloy ang pag-aaral. Just keep going. Mahirap sa umpisa pero once you start you'll get there."

Panoorin ang buong interview ni Ruffa Gutierrez sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga rito:

ALAMIN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAKAPAGTAPOS NG KOLEHIYO RITO: