GMA Logo Ruffa Gutierrez, Lorin, Venice
Source: iloveruffag (IG)
What's on TV

Ruffa Gutierrez says daughters Lorin, Venice are more disciplined than she was

By Kristian Eric Javier
Published October 28, 2026 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Diocese of Legazpi celebrates its 75th Anniversary of Canonical Erection
Carlos Yulo bonds with siblings, fiance Chloe San Jose in Paris
Chika Cart: AZ Martinez, nanawagan ng suporta para sa mga sumasailalim sa cosmetic enhancements: 'It takes courage'

Article Inside Page


Showbiz News

Ruffa Gutierrez, Lorin, Venice


Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez kung paano naiiba ang kaniyang mga anak na sina Lorin at Venice sa kaniya noong kabataan niya, at kung paano nakaimpluwensiya ang pagiging istrikto ng kaniyang inang si Annabelle Rama sa pagpapalaki niya sa mga ito.

Proud mom ang beauty queen at actress na si Ruffa Gutierrez sa mga accomplishment ng kaniyang mga anak na sina Lorin at Venice, at sinabi niyang excited siya para sa kanilang mga kinabukasan. Ayon sa Red Crown star, mas disiplinado pa ang kaniyang mga anak kaysa sa kaniya noong kabataan niya.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, Oktubre 27, ibinahagi ni Ruffa na graduate na si Lorin, habang third-year university student naman si Venice.

“She's (Venice) a third-year university student taking up political science. Ang dream ko sa kaniya, maging singing diplomat kasi napakaganda ng kaniyang boses, and I can't wait for the whole world to hear her voice,” sabi ni Ruffa.

Samantala, nagsimula na rin umano si Lorin sa kaniyang unang trabaho sa fashion industry sa Los Angeles.

“I don't wanna explain like how or where, but she's into content creation and fashion, and I'm also excited for her. So pabalik-balik din siya dito because she also has endorsements,” sabi ni Ruffa.

Malaki umano ang pagkakaiba ng kaniyang mga anak sa kaniya noong kabataan niya. Kung siya ay rebelde at madalas na puso ang pinaiiral, mas nakatuon naman sina Lorin at Venice sa kanilang mga pangarap at pag-aaral.

“They are more disciplined. They love to study, they know what they want, hindi puso ang nasa isip nila,” ani Ruffa.

Inamin ni Ruffa na ang pagiging rebelde niya noon ay bunga ng pagiging istrikto ng kaniyang inang si Annabelle Rama. Dahil dito, lalo siyang naging mausisa at gustong tuklasin ang mga bagay na ipinagbabawal sa kaniya.

Kalaunan, naunawaan din ni Ruffa na ang paghihigpit ng kaniyang ina ay para sa kaniyang ikabubuti.

“Natuto ako nu'n and na-realize ko all of that nu'ng naging nanay din ako. Siyempre, hindi natin ma-realize 'yun 'pag bata ka. So nu'ng naging nanay ako, na-realize ko na full circle moment, and when my mom was strict, sabi ko, 'Maraming-maraming salamat, Ma, that hinigpitan mo ako dahil naging maayos at naging maganda 'yung buhay ko,'” sabi ni Ruffa.

Hindi umano kasing istrikto ng kaniyang ina si Ruffa pagdating sa kaniyang mga anak na sina Lorin at Venice, lalo na't wala pa silang seryosong love life.

“They're actually late bloomers at kung meron man, alam kong pipili sila ng maayos, disente, 'yung mamahalin sila, and prayerful. 'Yun ang lagi kong sinasabi sa kanila, 'yung someone with the right values,” sabi ng actress-beauty queen.

May mga manliligaw naman sina Lorin at Venice, ngunit pakiramdam ni Ruffa ay late bloomers talaga ang kaniyang mga anak.

KILALANIN ANG NAGGAGANDAHANG MGA ANAK NI RUFFA NA SINA LORIN AT VENICE SA GALLERY NA ITO: