
Muling lumipad papuntang Singapore si Ruffa Gutierrez kasama ang mga magulang na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez para sa nakatakdang ikalawang medical procedure ng ama.
Sa kaniyang Instagram post, ipinakita ni Ruffa ang ilang larawan kasama ang mga magulang bago ang kanilang pag-alis, kung saan aniya nagkaroon sila ng "quiet Filipino breakfast" sa kanilang bahay.
Nagpasalamat din siya sa lahat nang nagdadasal para sa kaniyang amang si Eddie. Sulat niya, "Your prayers have carried us more than you'll ever know. Dad's blood tests are normal, and his health is steadily improving. A blessing we do not take lightly.
"We are deeply grateful for all the love, concern, and prayers. Miracles really do happen. All glory to God."
Noong December 2025, sumailalim sa kaniyang unang spinal procedure si Eddie sa Singapore.
Ilang araw matapos nito ay ibinahagi ni Ruffa ang resulta ng MRI ng kaniyang ama: "An MRI revealed a serious infection."
Pero, ani aktres, sa kabila nito ay mabilis na naka-recover ang kaniyang ama, na labis niyang ipinagpapasalamat sa Diyos: "In just six days, Dad's recovery has been nothing short of a miracle."
Ayon kay Ruffa, mananatili ng dalawang linggo ngayong buwan sa Singapore ang kaniyang ama at muling lilipad sa March para sa panibagong procedure.
Related gallery: Eddie Gutierrez nagdiwang ng ika-82 kaarawan