What's Hot

Ruffa Gutierrez, trending online matapos maglaro ng "Giant Jackstone" sa 'Mars Pa More'

By Felix Ilaya
Published September 8, 2020 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jabari Smith Jr., Kevin Durant power Rockets past Pelicans
Bureau of Immigration arrests Estonian vlogger for harassing locals in PH
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

Ruffa Gutierrez


Viral ngayon sa Facebook ang 'Mars Pa More' clip kung saan naglaro si Ruffa Gutierrez ng "Giant Jackstone" game. Silipin ang moment na ito, dito.

Aliw na aliw ang mga netizens kay Ruffa Gutierrez sa viral clip nito mula sa Mars Pa More kasama sina Mars Camille Prats at Mars Wilma Doesnt. Sa naturang video na ito, naglaro sina Ruffa, Camille, at Wilma ng "Giant Jackstone" game.

Bago pa man magsimula ang laro ay bentang-benta na si Mars Ruffa dahil habang nagma-maiba taya pa lang sila ay nagkamali na agad ang dating beauty queen. Mas lalo pang naging masaya ang lahat nang naglaro na siya ng Giant Jackstone game!

Panoorin ang viral Mars Pa More video ni Ruffa na in-upload ng Facebook netizen na si Ark Aguas below:

Sa kasalukyan ay mayroon na itong 75K reactions, 29K shares, at 8.7K comments!

Ayon naman sa kaniyang tweet, masaya si Ruffa na nakapagpaligaya ng maraming netizens ang kaniyang viral video.

Nitong August lang ay nag-viral din si Ruffa matapos niyang makipag-TikTok kasama ang mga niyang sina Lorin at Venice Bektas.