
Bago ang simula ng exciting season ng Running Man Philippines sa darating na May 11 at May 12, sumabak muna ang ating Pinoy Runners sa isang mini-mission sa web exclusive video na “Runners in Korea.”
Dito malalaman kung sino ang mas matinik sa pagba-budget sa game na '10,000 KRW challenge.'
Magkakasama sa Team A sina Glaiza De Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, at Miguel Tanfelix.
Ka-grupo naman ni Mikael Daez sa Team B sina Kokoy de Santos at Angel Guardian.
Ang goal nila ay makabili ng isang personal item, regalo sa isang co-Runner, at pampasalubong item para sa kanilang special someone. Ang catch, magpapagalingan sila kung sino ang mas malaki ang matitira sa budget.
Silipin ang kulit mission ng Running Man Philippines cast members sa Hongdae sa video below!
RELATED CONTENT: MEET THE STAR-STUDDED GUESTS IN RUNNING MAN PH SEASON TWO