
Unexpected ang pagsasanib puwersa nina Angel Guardian at Kokoy de Santos sa finale ng Territory Race noong Linggo, October 16, sa Running Man Philippines.
Dahil sila na lang ang natitira sa Blue at Green Team, nag-decide silang mag-team up para talunin ang Red Team na binubuo nina Mikael Daez, Valeen Montenegro, at Ruru Madrid.
Successful ang dalawa sa pagkuha ng nametag ni Valeen, pero mas intense ang naging one-on-one match nila laban sa Captain at resident Hotshot ng Running Man Philippines.
Kitang kita naman sa online comments na marami ang kinilig sa alliance ng binansagang Ge-Koy.
Samantala, sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Kokoy de Santos last month, sinabi nitong “masarap” katrabaho ang tulad ni Angel.
Matatandaan na nagkasama na sila noon sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, kung saan gumanap sila bilang Patrick at Beth.
Aniya, “Since nagka-work kami in Pepito Manaloto with Angel, ang daming natuwa and kami rin mismo, nung sinabi sa amin na kami magkakasama sa Running Man, parang G na G naman kami na gawin 'yung project.
“Kasi unang una sa lahat, Running Man 'yan. Pangalawa, si Angel naman 'to, so game 'di ba! At masarap katrabaho si Angel”
HERE ARE SOME FUN FACTS ABOUT KOKOY DE SANTOS AND ANGEL GUARDIAN: