
Matapos ang six-week workcation ng Running Man Philippines cast members sa South Korea, binigyan ng heartwarming surprise ng Kapuso stars ang buong SBS at Running Man Korea staff nila sa last day ng taping.
Sa exclusive photos na ibinahagi sa social media accounts ng Running Man Philippines, nagpadala ang cast ng special coffee truck bilang pasasamalat sa kanilang hard working crew.
Sabi sa post, “LOOK: Kape-kape muna forda hard work and forda bond! ☕ Nagpadala ang Runners ng coffee truck bilang pasasalamat sa SBS at Running Man Korean staff sa last taping day ng #RunningManPH!”
Nakabalik na rin ang lima sa pitong cast members ng Running Man Philippines sa bansa. Samantala, ayon sa ulat ng Chika Minute, naiwan sina Mikael Daez at Ruru Madrid sa South Korea.
Excited naman ang Kapuso drama gem na si Glaiza De Castro nang makapanayam ng GMA News na mapanood ng Pinoy Runners ang pinaghirapan nila.
Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa kanilang home network sa “once-in-a-lifetime” opportunity na gawin ang ganito kalaking project.
Aniya, “Excited din kami na mai-share 'yun sa tao. Kung sino kami at kung ano 'yung mga natutunan namin sa sarili namin.
“Sobrang grateful kami sa GMA-7 for giving us this once in a lifetime opportunity to work with the amazing team. Ang dami namin natutunan sa kanila, actually at ang dami namin binaon talaga dito.”
Abanga ang world premiere ng Running Man Philippines sa darating na September 3 sa weekend primetime.
TAKE A LOOK AT SOME BONDING MOMENTS OF THE CAST RUNNING MAN PHILIPPINES IN SOUTH KOREA: