GMA Logo Buboy Villar and Lexi Gonzales
What's on TV

Running Man PH: Lexi Gonzales at Buboy Villar, may pasilip sa dadalhin nilang luggage papuntang South Korea

By Aedrianne Acar
Published July 14, 2022 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar and Lexi Gonzales


Lexi Gonzales at Buboy Villar, ibinahagi ang ilan sa kanilang essential items na dadalhin pa-Korea para sa kanilang 'Running Man Philippines' shoot.

Interesting ang ilan sa ibinahagi na trivia ng ating Running Man Philippines cast members tungkol sa essential items na bitbit nila para sa kanilang shoot sa South Korea.

Sa exclusive 'What's in My Luggage' video featuring StarStruck First Princess Lexi Gonzales, priority para sa dalaga na may "comfortable shoes" siya para sa kanilang trip.

Paliwanag ni Lexi, “We're gonna start off with the shoes, kasi ako, number one na importante sa akin ang comfort sa aking paa.

“Pumili talaga ako ng shoes na alam ko makakatulong sa akin, lalo na maraming takbuhan and everything. Siyempre dapat prepared tayo sa Name Tag Ripping.”

Ipinakita rin ng Kapuso actress ang ilan sa OOTD niya for Korea. Mahulaan n'yo kaya ang favorite color ni ni Lexi?

Samantala, kahit busy sa pag-iimpake ang Kapuso comedian-vlogger na si Buboy Villar, sinabi nito na sinusulit niya ang natitirang oras para makipag-bond sa kaniyang pamilya.

Tingnan din ang luggage na dadalhin ni Buboy sa kanilang work trip na literal na kasya ang isang tao sa video below.

HETO ANG PASILIP SA BONDING MOMENTS NG CAST NG RUNNING MAN PHILIPPINES SA SOUTH KOREA:

Stay updated about the latest happenings in Running Man Philippines by visiting GMANetwork.com or by following all the official social media accounts of the show:

Facebook: https://www.facebook.com/GMARunningManPH

Instagram: https://www.instagram.com/gmarunningmanph

Twitter: https://twitter.com/GMARunningManPH

TikTok: https://www.tiktok.com/@gmarunningmanph