GMA Logo Running Man PH episode on Nov 12
What's on TV

Running Man PH: Mala-Super Mario na pagtalon ni Buboy Villar, umani na ng 1M views sa TikTok!

By Aedrianne Acar
Published November 15, 2022 4:06 PM PHT
Updated November 15, 2022 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 180,000 passengers expected at PITX before Christmas week
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Running Man PH episode on Nov 12


Muli na namang pinatawa ni Buboy ang milyon-milyong nanood ng 'Running Man Philippines' sa online at TV nitong Sabado ng gabi.

Nahuli na naman ni “The Funny Juan” Buboy Villar ang kiliti ng mga manonood na nakapanood ng “Pocket Money Race” sa Running Man Philippines nitong Sabado ng gabi.

Nagpunta ang ating seven Celebrity Runners at guests nilang sina Rocco Nacino at Empoy Marquez sa isang water park sa Siheung-si, Gyeonggi-do kung saan naglaban sila para manalo ng cash.

Nahati sila sa tatlong team. Ang Green Team ay binubuo nina Buboy Villar, Kokoy de Santos, at Angel Guardian. Magka-team naman sina Ruru Madrid, Lexi Gonzales, at Empoy sa Read Team, habang solid ang Blue Team na binubuo nina Glaiza De Castro, Rocco Nacino, at Mikael Daez.

Isa sa pinag-uusapan na highlight sa November 12 episode sa TikTok ang Cham, Cham, Cham game na ginawa nila sa Stop The Belt mission, kung saan kailangan talunin ni Buboy ang lahat ng members ng opposing team habang ang dalawa naman niyang team members ay sakay ng isang conveyor belt at dumadaan sa isang obstacle na may pintura.

Kinaaliwan ng marami ang Kapuso comedian-vlogger dahil sa oras na natatalo niya ang isang kalaban ay napapatalon ito na mala-Super Mario.

@gmarunningmanph Dark horse n'yo naging pusa! 🐱 #RunningManPH #GMA ♬ original sound - GMARunningManPH

Nakakuha na ang episode highlight na ito ng mahigit 1.4 million views sa TikTok as of writing.

More highlights from the November 12 episode HERE:

Runners, literal na makulay ang buhay sa Korea!

Lexi G, takot na sa tubig?!

Empoy, nag-surfing pero pa-urong?!

Rattan o unan? What is this thing, Buboy?!

Tuloy-tuloy lang ang panonood ng Running Man Philippines, tuwing Sabado sa oras na 7:15 p.m. at tuwing Linggo, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa oras na 7:50 p.m.

CHECK OUT THESE INCREDIBLE FAN ART FEATURING OUR CELEBRITY RUNNERS: