
Muling pinatunayan ng Runners sa hindi lang palakasan ang labanan sa Running Man Philippines, kundi, laban din ito ng utakan.
Intense ang naging finale ng “Pocket Money Race” sa Oido Prehistoric Park last Sunday night.
Highlight ng episode ang nangyaring utakan sa pagitan nina Glaiza De Castro at Mikael Daez.
Nakipag-alliance kasi si Boss G kay Angel Guardian na tata-traydurin niya si Kap, para ang final battle ay between two girls.
Nang makita naman ni Glaiza si Mikael, nangako ito na pagtutulungan nila si Angel. Pero sa isang sandali na nahuli ni Kap na nakatakilod si Boss G habang hinahabol si Angel, sinubukan nito i-rip ang nametag niya.
Sa huli, pinagtulungan ng dalawang girls si Mik.
@gmarunningmanph Traydor strikes! Akala mo ah, Kap! 😂 #RunningManPH #GMA ♬ original sound - GMARunningManPH
Aliw na aliw naman ang mga netizen sa tinawag na “taksilan time” sa Pocket Money Race.
Source: Running Man PH social media accounts
'Yun nga lang, may isa pang big plot twist na gumulat sa lahat! Sure na ba sina Glaiza at Angel na isa sa kanila ang mananalo?
Tingnan sa video below:
More highlights on the Sunday episode of Running Man Philippines:
Sindakan tips by Ruru Madrid
Oplan - ubusin ang Red team!
Hide out ni Buboy Villar, efas pa sa efas!
CHECK OUT THESE INCREDIBLE FAN ARTS FEATURING OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: