
Nagbalik-tanaw si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid sa challenges na pinagdaanan niya sa kaniyang career. Inilahad niya ang mga ito sa mismong birthday celebration niya noong nakaraang linggo.
Ilan sa mga celebrity na dumalo sa 25th birthday celebration ng Sparkle actor ay sina Mikee Quintos, Paul Salas, Jak Roberto, Jelai Andres, at kaniyang BFF na si Buboy Villar.
Imbitado rin sa pagtitipon ang host, manager at vlogger na si Ogie Diaz na nakunan ang ilang highlights ng party ni Ruru.
Sa isang speech, inalala ng birthday boy ang mga pagsubok na pinagdaanan niya lalo na noong 2021.
Saad ni Ruru, “Last year, 'yun 'yung masasabi ko pinaka-challenging na taon para sa akin, when it comes to my career, sa buhay ko. Parang, pakiramdam ko gusto ko na lang sumuko.”
Pagpapatuloy niya, “Pero itong taon po na ito [2022] hindi ko in-expect, parang tuloy-tuloy 'yung mga blessings na natatanggap ko, dahil din 'yun sa pagmamahal n'yo po lahat. Kayo 'yung nagsilbing inspirasyon sa akin.”
Special mention din sa party ni Ruru Madrid ang long-time girlfriend niya na si Bianca Umali.
Aniya, “Una sa lahat gusto ko magpasalamat sa aking pamilya, sa akin mga magulang. Sa mga kapatid ko kay Rara, kay Rere. And of course, sa napakagandang nagpapatibok ng aking puso. Thank you so much… I love you. Sila 'yung nagsabi na mag-celebrate ako, kaya thank you, dahil dapat naman talaga!”
“And siyempre sa pamilya Madrid na nandirito, it's been 10 years na simula nung 'Protégé,' kayo 'yung unang naniwala sa akin, kahit na 'yung katawan ko talagang para akong butiking Pasay, pero naniniwala pa rin kayo sa akin. Kaya 'yung mga unang nagmahal sa akin.”
Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng season ng Running Man Philippines this weekend, baon naman ni Ruru Madrid ang masayang experience sa naging shoot nila sa South Korea.
Ayon sa Kapuso actor na natuto siya maging independent. Aniya, “Memorable 'yung experience ko buong time na nasa Korea kami. For the first time naging independent ako, natuto ako maglaba, first time ko magawa 'yun.
“Natuto ako magligpit ng hinihigaan ko. natuto ako magtiklop, natuto ako bumili ng kung ano kailangan ko.”
THE JAW-DROPPING TRANSFORMATION OF RURU MADRID: