
Naging battleground ng Pink team at Purple Team ang Korean Folk Village sa Gyeonggi-do sa South Korea sa exciting Traditional Game Race sa Running Man Philippines.
Naging magkakampi sina Glaiza De Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales at Mikael Daez sa Team ng Purple.
Samantala, palaban din ang Pink team na binubuo nina Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Angel Guardian, at special guest na si Max Collins.
Nasubukan ang dalawang grupo sa mga games na Kadang-Kadang Relay, Piko, at Group Jump Rope, pero mas pinatindi version ng mga ito na sumubok sa kanila physically.
At sa huli, nagsagupaan sila sa Balloon Survival, kung saan goal nilang maputok ang lahat ng lobo ng opposite team.
Kaya kung may na-miss kayo na moment sa Running Man Philippines last weekend, heto ang full chapter ng Traditional Game Race below.
Samantala, tuloy-tuloy din pamamayagpag ng Running Man Philippines tuwing weekend primetime.
Base sa datos ng NUTAM People Ratings, nakakuha ang reality show ng 13.1% rating noong Sabado (November 19) at lalo pa ito tumaas pagdating ng Linggo nang makamit ang show ng rating na 13.9% .
For more news and exclusive content from Running Man Philippines, please visit GMANetwork.com or follow all its social media pages online.