
Nasubukan ang taste buds ng celebrity guest na si Archie Alemania nang sumabak sa “gangster mukbang” challenge sa Running Man Philippines noong Linggo, July 14.
Minalas ang actor-comedian sa food roulette challenge sa all-new race na 'Prison Break' dahil sa magkasunod na beses na pinaikot ang Lazy Susan, tumapat sa kanya at kailangan niyang inumin ang maalat na toyo!
Tawang-tawa ang netizens at fans sa kamalasang inabot ni Archie at viral na sa TikTok ang video ng former Bubble Gang comedian.
As of writing, may mahigit 1.1 million views na ang funny moment na ito ni Archie.
@gmanetwork #RunningManPH2: July 13, 2024 | Malas ang makakuha ng toyo lang! 😂 #RunningManPH #TikTokTainmentPH ♬ original sound - GMA Network
Source: Running Man PH & GMA Network (TikTok)
Balikan ang maalat na experience ni Archie Alemania sa Running Man Philippines sa video below.
RELATED CONTENT: KOREAN STARS APPEARING ON RUNNING MAN PH SEASON 2