
Ramdam ang 'K-saya' experience sa pagbabalik ng well-loved at viral reality game show on Philippine TV na Running Man Philippines.
Mas matindi pa sa lamig ng winter ang mainit na suporta ng viewers matapos magtala sa NUTAM People Ratings ang first and second episode ng Season 2 ng double-digit ratings.
Umabot ng 11.2 ang ratings ng May 11 premiere at pumalo naman ng 8.9 ang episode ng Running Man Philippines sa Sunday primetime (May 12).
Balikan ang secret mission ng new Runner na si Miguel Tanfelix na nagpakabog sa dibdib ng viewers at kung paano hinarap nilang pito ang nanunuot sa lamig na 'Winter Dance' challenge habang below zero degrees ang temperature.
Maaring ulit-ulitin ang kulit moments ng Running Man Philippines Season 2 dahil available ang full episodes at highlights ng show sa GMANetwork.com. Puwede n'yo ring bisitahin ang YouLOL YouTube channel!
RELATED CONTENT: MEET THE KOREAN STARS JOINING THE MUCH-AWAITED RUNNING MAN PH SEASON 2