
Hindi lang ang Runner na si Buboy Villar ang agaw-pansin sa first episode ng Running Man Philippines Season 2 nitong Sabado ng gabi, May 11.
Sa pilot episode, walang kaalam-alam ang six original Pinoy Runners na sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy de Santos, at Angel Guardian na ang idinaos na presscon pagkalapag pa lang nila sa Korea ay fake.
Habang sumasagot ng tanong, busy naman ang new Runner na si Miguel Tanfelix sa paggawa ng secret mission niya dahil kung mabigo siya ay pababalikin na agad siya sa Pilipinas.
Bukod sa nakakatawang reaksyon ni Buboy sa tanong na "kailan ang last kiss mo?" ay maraming netizens ang kinilig sa interviewer na nagpanggap sa staged presscon.
Hirit ng fans, mapapa-'oppa' ang lahat sa heartthrob looks nito.
Balikan ang nakakatawang bahagi na ito sa first episode ng Running Man Philippines at ang naging sagot ni Buboy Villar sa video below!
Mapapanood naman ang full episodes ng viral reality-game show sa GMANetwork.com o sa official YouTube channel ng YouLOL.
RELATED CONTENT: MEET THE KOREAN STARS JOINING THE MUCH-AWAITED RUNNING MAN PH SEASON 2