
Isang parangal ang naiuwi ng top rating full action series na Black Rider.
Panalo ng bronze medal ang serye sa 2024 New York Festivals TV & Film Awards sa ilalim ng kategoryang Entertainment Program: Drama.
Inaalay naman ng bida ng serye na si primetime action hero Ruru Madrid ang tagumpay na ito sa lahat ng mga Pilipino.
"This recognition is dedicated to all the unsung heroes and Filipinos facing life's challenges. We share this New York Festival medal with you. Many thanks to the judges, Kapuso, and the entire nation for believing that we can all be heroes like Black Rider. 🏍️
"To GOD be the Glory! MABUHAY! 🇵🇭
"#TatakPublicAffairs," sulat niya sa isang post sa Instagram.
Samantala, nagbukas na ang bagong yugto ng Black Rider.
Matapos bumagsak ang sindikatong Golden Scorpion, naghahanda na si Elias (Ruru Madrid) sa tahimik na buhay.
Pero hindi pa tapos ang kanyang laban dahil maglilingkisan ang mga dating kalaban ng Golden Scorpion para pabagsakin si Black Rider.
Anong bagong panganib ang dala ng nabuong puwersang ito kay Elias at sa mahal niya sa buhay?
Huwag palampasin ang bagong digmaan na haharapin ni Elias sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist na Black Rider!
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.