GMA Logo Ruru Madrid as Ybarro in Encantadia
What's Hot

Ruru Madrid, aminadong naapektuhan ng bashers noon sa 'Encantandia'

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 26, 2020 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Batang babae na nalunod, natagpuan sa Binangonan
Celebrating Filipino Food Month with flavors from across the archipelago
Fans ng Huwag Kang Titingin' stars, todo ang suporta sa sunod-sunod na block screenings nationwide

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid as Ybarro in Encantadia


Muntik nang hindi tanggapin ni Ruru Madrid ang karakter ni Ybarro sa requel ng 'Encantadia' noong 2016 dahil sa matinding pamba-bash.

Umamin ang aktor na si Ruru Madrid na pinag-iisipan niya noon na huwag tanggapin ang karakter ni Ybarro sa requel ng Encantadia noong 2016 dahil sa pamba-bash na kanyang naranasan.

Kuwento ni Ruru, muntikan na siyang mag-backout noon sa kanyang role.

Aniya, “Kasi parang walang naniniwala sa akin na kaya ko, e.”

“Grabe kasi 'yung basher noon. Nung una na nakita nila na ako ang gaganap bilang Ybarro, ayaw nila. Sobrang ayaw nila.

“Tapos na-depress ako noon, nagmukmok ako noon So nag-workout ako, minahal ko nang sobra-sobra 'yung role ko, 'yung show.”

Masaya naman si Ruru na muling ipinapalabas sa GMA Telebabad ang Encantadia dahil marami ang muling makakapanood nito.

“May nag-message sa akin na gustong magpa-video greet na bata dahil sobrang fan daw siya ni Ybarro,” kuwento ni Ruru.

“So, nakakatuwa kasi kailan pa 'yung Encantadia. 2 years, 3 years ago pero mayroon pa ring tumatangkilik.”

Panoorin ang buong panayam kay Ruru sa 24 Oras:

Then and Now: The main cast of 'Encantadia (2016)'