GMA Logo Ruru Madrid and Bianca Umali
Source: bianxa (IG)
What's Hot

Ruru Madrid and Bianca Umali's five-year relationship is still going strong!

By Aedrianne Acar
Published October 31, 2023 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Bianca Umali


Stay in love, Ruru Madrid at Bianca Umali.

Napapa-hashtag “sana all” ang marami na nakasubaybay sa relasyon ng Kapuso couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali o kilala sa tawag na RuCa.

Mahigit limang taon na ang pagsasama ng RuCa at sa panayam sa kanila ng 24 Oras, ramdam ang lalim ng pagmamahal nila para sa isa't isa.

Ayon sa Primetime Action Hero na si Ruru, sentro ng kanilang relasyon ni Bianca ang “respeto.”

Lahad niya sa Chika Minute report, “May mga pagkakataon na mahal na mahal n'yo 'yung isa't isa. May mga pagkakataon na sobrang hate n'yo ang isa't isa.

“But it's a matter of kung gaano n'yo pinapahalagaan ang isa't isa at kung gaano n'yo nire-respeto ang isa't isa.

SWEETEST MOMENTS OF RURU MADRID AND BIANCA UMALI:

Binigyan diin naman ni Bianca sa exclusive interview ng 24 Oras na alam niya ang halaga ng “self love.”

Ayon sa Sang'gre star, “I can say that I'd still love the same but I don't just hold on to one form of love. I love Ruru siyempre, but now I have discovered the love I have for myself as well. And that keeps me strong and keeps my head straight.”

Parehong may malalaking project na ginagawa ang sweet couple. Kamakailan, opisyal na kinumpirma ng Kapuso Network na si Bianca Umali ang gaganap bilang Terra sa telefantasya series na Sang'gre.

Samantala, mapapanood naman si Ruru bilang Elias sa much-awaited action-packed series na Black Rider na mapapanood simula November 6 sa GMA Telebabad.

A bit of trivia ayon mismo kay Ruru, natuto siya mag-motor sa edad na 17 years old.

Sa panayam ng Sparkle actor sa 24 Oras, nagkuwento siya sa mga ginawa niyang stunts gamit ang motor.

“Yung mga stunts ng mga ilang motor lalo na kapag alam ko kaya ko naman, kunwari magja-jump. Or sometimes 'pag kayang i-wheel 'yung liko,” ani Ruru Madrid.