
Patok ang tambalan nina primetime action hero Ruru Madrid at sexy actress Angeli Khang sa full action series na Black Rider.
Sa mga susunod na episode ng serye, matutuklasan ng karakter ni Ruru na si Elias na mahusay rin palang makipaglaban ang karakter ni Angeli na si Nimfa.
Kaya naman sa pasilip ng Black Rider sa set nito, makikita sina Ruru at Angeli na hawak-kamay na tumatakbo mula sa mga pagsabog at mauuwi pa sa ilog para makatakas sa mga humahabol sa kanila.
"Nandirito po kami sa Norzagaray, Bulacan para po sa taping ng Black Rider. Kakaibang look 'yung location po namin, hindi po siyudad ng Maynila dahil may mga eksena po kami na lalangoy po sa ilog mamaya. Asahan niyo po na talagang mas malaki at mas kakaiba ang mga eksena na ipapakita po namin sa inyo," lahad ni Ruru.
Masaya at proud naman si Angeli sa unang pagsabak siya sa action scenes.
"Kanina po, habang nagtatakbuhan kami diyan ni Elias, may mga blasting po diyan, mga pasabog. Buong araw po dito ang set namin. Masaya po ang experience dito dahil mag-iilog kami. Maliligo na naman kami sa ilog," bahagi niya.
Source: angelikhang_ (IG)
Source: rurumadrid8 (IG)
Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider, na sabay nang mapapanood sa tatlong channels at maging online!
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa GTV at sa digital channel na Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.
Panoorin din ang feature ng Unang Hirit sa set ng Black Rider sa video sa itaas.