
Sa unang pagkakataon, magtatambal ang Kapuso stars at real life couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa upcoming romance drama series with a touch of fantasy na The Write One.
Gaganap si Ruru sa serye bilang Liam, isang television writer, habang si Bianca naman ang asawa niyang si Joyce, isang former artista.
Matapos ang ilang taon ng masayang pagsasama, lalamlam ang pagmamahalan ng dalawa dala na rin ng mga problemang hinaharap ng bawat mag-asawa sa pang-araw araw na buhay.
Mabibigyan naman ng pagkakataon si Liam na baguhin ang buhay nila ni Joyce gamit ang isang misteryosong antique typewriter.
Source: viuphilippines/IG
Aminado sina Ruru at Bianca na hindi sila sanay na makatrabaho ang isa't isa.
"Sanay kasi kami ni Bianca na kami 'yung pahinga ng isa't isa. Never naming pinag-uusapan 'yung trabaho. Never din naming inisip na dapat na ba kaming magkatrabaho," pahayag ni Ruru sa media conference at pilot screening ng The Write One.
"Noong una, lagi naman naming kinukuwento na it was kind of weird for the both of us kasi nga in real life, hindi kami sanay na magkatrabaho kami. Sanay kami na magkaiba 'yung work namin. Kapag rest day namin, kami 'yung pahinga ng isa't isa. But this time it's different kasi kami naman 'yung trabaho ng isa't isa. Hindi na pahinga, trabaho na," pagsang-ayon ni Bianca.
Isinantabi daw nila ang alinlangan na magpares sa isang show dahil humanga sila sa kuwento ng serye.
"It's a great show. It's a great project. It's a great concept. Kinausap din kami ni [Head of Content Partnerships] Ms. Garlic [Garcia] from Viu na gusto na niya kaming pagsamahin ni Bianca sa isang project. Hindi namin talaga mahindian 'yun kasi nakita namin 'yung story, sobrang ganda. At the same time, it's different din sa mga ginagawa namin," paliwanag ni Ruru.
"Iba 'yung experience but so far because of Viu and because of GMA Public Affairs, the journey has been wonderful. Sobra sobra po 'yung pasasalamat namin that we are given the opportunity to work with this project," dagdag ni Bianca.
Bukod doon, nagkaroon din daw sina Ruru at Bianca ng pagkakataon na may higit pang matutunan tungkol sa isa't isa.
"At first, sobrang nahihirapan ako pero habang tumatagal na nagte-taping kaming dalawa ni Bianca, ang dami kong natututunan sa kanya. She's a very talented actress, sobrang galing. She's very professional pagdating sa trabaho so sabi ko hindi ako magsasawang makatabaho 'tong babaeng 'to," papuri ng aktor sa kanyang leading lady at girlfriend.
Huwag palampasin ang world premiere ng The Write One sa March 20, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:30 p.m. Maaari rin itong i-stream, anytime, anywhere sa www.viu.com simula March 18.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE AT PILOT SCREENING NG THE WRITE ONE DITO: