
Nag-bonding sina Kapuso stars Ruru Madrid at Bianca Umali sa kanilang training sa Filipino martial arts.
Magkasama kasi silang dumalo sa isang session ng knife fighting class ng Laraw Kali Pamuok.
Sa isang maikling video na ibinahagi ni Ruru sa kanyang social media accounts, makikitang nagsasanay sila ni Bianca sa ilalim ng expert na si Ronnie Royce Base.
Nag-ensayo muna sila ng tamang tindig at galaw gamit ang practice weapons bago sumabak sa sparring laban sa kanilang instructor.
Nag-sparring din laban sa isa't isa sina Ruru at Bianca.
Ilang linggo na rin simula noong bumalik si Ruru sa kanyang martial arts training.
Proud siya sa naging progreso niya dito kahit na tila "back to zero" siya dahil iba mula sa mga nakasanayang niyang martial arts ang Laraw Kali Pamuok.
SILIPIN ANG TRAINING NI RURU MADRID SA LARAW KALI PAMUOK DITO:
Isa rin daw sa mga pangarap ni Ruru ay ang magturo ng martial arts sa kabataan.
Umaasa siyang magiging paraan ito para maipasa ang mahahalagang values tulad ng disiplina sa susunod na henerasyon.