
Ngayong gabi na, May 25 ang magical finale ng number one romance fantasy drama on Philippine primetime na The Write One.
Kaya naman excited ang mga lead stars nitong sina Kapuso couple Ruru Madrid at Bianca Umali na ibahagi ang konklusyon ng kuwento.
"Mga Kapuso, abangan ang finale epsiode ng 'The Write One,' shot in Paris," pag-imbita ni Bianca.
Ilang mga katanungan din daw ang masasagot sa pagtatapos ng serye.
"Si Liam at si Joyce na nga kaya ang endgame? Makakamtam na kaya nila ang kanilang happily ever after? Abangan po ang season finale ng 'The Write One' sa GMA Telebabad," lahad ni Ruru.
Dahil sa panibagong paggamit ng mahiwagang typewriter, matatagpuan nina Liam at Joyce ang kanilang mga sarili sa Paris.
Maayos na nga nila ang lahat ng pagkakamaling nagawa nila? Anong huling rebelasyon ang naghihintay sa kanila dito?
Huwag palampasin ang pagtatapos ng The Write One, Monday to Thursday, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:25 p.m. Maaari ring mag-stream ng advanced episodes nito, anytime, anywhere sa www.viu.com.
NARITO NAMAN ANG EXCLUSIVE BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG TAPING NG THE WRITE ONE SA PARIS: