What's Hot

Ruru Madrid, at home na sa Tondo

By Marah Ruiz
Published July 19, 2026 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

23-year-old Fil-Am airman dies in on-base accident
Farm to Table: (July 19, 2026) LIVE
Transforming discarded materials into treasured spaces

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


At home na si Ruru Madrid sa Tondo kung saan sinu-shoot ang bago niyang teleserye.

Tuloy tuloy lang ang taping ni primetime action hero Ruru Madrid para sa bago niyang action-drama series na Hari ng Tondo.

Sa Tondo mismo kinukunan ang ilang mga eksena ng serye kaya at home na raw si Ruru sa lugar.

"Siyempre kailangan namin i-entertain po lahat ng mga taong nandoon dahil kami po 'yung bisita e. Every time na may pinupuntahan kaming lugar sa Tondo, parang welcome na welcome kami," pahayag ni Ruru.

Dahil dito, sinisikap daw niyang ibalik sa komunidad ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tao doon.

"Hangga't sa maliliit na bagay na puwede kaming tumulong sa kanila, [gagawin namin]. For example, si nanay na laging may mga nilalabas na mga tinda, ginagawa ko, pinapakyaw ko 'yung mga tinda niya tapos ipamimigay ko sa set. Kasi parang in that way, kahit papano, nakakatulong tayo sa mga nandoon na residente na kumbaga naiistorbo natin," paliwanag ng aktor.

Makakasama ni Ruru sa Hari ng Tondo si Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Iikot ang kuwento ng serye sa mga taong hinubog ng Tondo.

Bukod kina Dennis at Ruru, bahagi rin ng serye sina Rocco Nacino, Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.

Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.

SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG HARI NG TONDO DITO:

Panoorin din ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.