
Nagdulot ng kilig ang larawan nina Ruru Madrid at Jasmine Curtis-Smith na ibinahagi nila sa Instagram nito lamang July. Matapos itong ilabas, nagkaroon na rin ng kanya-kanyang hula ang netizens sa magiging proyekto ng dalawang Kapuso stars.
LOOK: Ruru Madrid and Jasmine Curtis Smith tease new project together
Upang sagutin na ang mga katanungan ng netizens, kinumpirma na ni Ruru na magsasama sila ni Jasmine sa isang pelikula nang makapanayam ang aktor sa kanyang contract signing sa GMA Music noong Miyerkules, July 10.
Ruru Madrid maglalabas ng 'hugot' song under GMA Music
Iikot daw ang istorya ng kanilang pelikula sa love story ng characters nila ni Jasmine. Ani Ruru, "About ito sa isang relationship na maraming challenges pero at the end of the day, kailangan n'yong ipaglaban 'yung isa't isa.
"It's a love story na for sure maraming makaka-relate na mga tao [especially millennials] kasi drama [and] romance siya eh. So maraming kikiligin, maraming mapapaiyak, maparaming matatawa."
Nang tanungin naman ang working relationship nila ni Jasmine, inamin ni Ruru na na-pressure siya dahil matagal na siyang fan ng aktres.
Saad ni Ruru, "Even before pa kami magkatrabaho ni Jasmine sobrang naging fan niya na ako. Napapanood ko 'yung movies niya so sobrang nagagalingan ako sa kanya.
"I didn't expect na darating sa buhay ko na makakatrabaho ko ang isang Jasmine Curtis."
Binalikan pa nga ni Ruru ang unang pagkakataon na makita niya si Jasmine sa Sunday PinaSaya noon. Kuwento niya, "Nung first time ko siyang ma-meet sa SPS (Sunday PinaSaya), siguro dahil sa sobrang fan niya ako, hindi ako nakalapit sa kaniya, hindi ako nakapag-introduce ng sarili ko sa kanya."
Kaya naman namangha raw si Ruru sa instant chemistry nila ni Jasmine nang magsimula nang mag-shoot ang kanilang pelikula. "Noong ipinakilala kami sa isa't isa, tapos may pinagawa kaagad sa 'min na scene na sobrang sweet, yakapan agad, wala akong na-feel na wall kasi sobrang tina-trust niya ako agad. At sobrang tina-trust ko rin siya.
"Every time na may scene kami together, 'yung connection naming dalawa naroon na agad. Never kaming nagkaroon ng wall sa isa't isa.
"And kahit off cam we're very close, nag-uusap kami about sa mga gusto naming mangyari sa buhay namin. So I am very happy na nakatrabaho ko siya," pagtatapos ni Ruru.