What's on TV

Ruru Madrid at Kylie Padilla, balik-tambalan sa 'Regal Studio Presents: My Fairytale Hero'

By Marah Ruiz
Published December 31, 2021 11:30 AM PHT
Updated April 11, 2022 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Kylie Padilla


Balik-tambalan sina Ruru Madrid at Kylie Padilla para sa "My Fairytale Hero" ng 'Regal Studio Presents.'

Narito na ang pinakaabangang balik-tambalan ng mga Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla.

Bibida kasi sila sa fantasy rom-com na "My Fairytale Hero," ang unang handog ng weekend anthology series na Regal Studio Presents para sa 2022.

Gaganap dito si Kylie bilang Jen, isang fan fiction writer. Magiging popular sa internet ang isang istoryang isinusulat niya.

Magigising na lang siya isang araw at makikitang nabuhay na ang bida sa kanyang istorya na si Brando, karakter naman ni Ruru.

Bukod dito, naniniwala si Brando na siya ang boyfriend ni Jen at ang tanging naaalala lang niya ay ang mga bagay na isinulat ni Jen sa kanyang istorya.

Sino ba talaga si Brando? Maaari ba siyang manatili sa buhay ni Jen?

Abangan ang pagbabalik tambalan nina Ruru at Kylie sa "My Fairytale Hero," April 17, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: