
Undeniable ang chemistry ng magkaibigan at kapwa Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla. Muli silang magtatambal sa upcoming full action series na Black Rider.
Gaganap sila sa serye bilang mag-asawa--si Ruru ay si Elias na isang delivery rider, habang si Kylie naman ay si Bernice, ang babaeng makikilala niya nang ipagtanggol niya ito mula sa mga nangingikil sa palengke.
Sa isang behind the scenes video mula sa set ng serye, kinakiligan sina Kylie at Ruru na nagbibiruan at nagtatawanan habang nagbabasaan malapit sa ilog.
"Panoorin: Maiihi at manginginig ka sa kilig kina Ruru Madrid at Kylie Padilla💕," saad ng caption ng post.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato. Pagbibidahan ito ni primetime action hero Ruru Madrid kasama sina Kylie Padilla, Katrina Halili, Yassi Pressman, Matteo Guidicelli, Jon Lucas, at marami pang iba.
SILIPIN ANG STAR-STUDDED MEDIA CONFERENCE NG BLACK RIDER DITO:
Abangan ang world premiere ng full action series na Black Rider, November 6, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May same-day replay ito sa GTV, 9:40 p.m. Mapapanood din ito online via Kapuso Stream.