GMA Logo Running Man PH September 7 episode
What's on TV

Ruru Madrid at Miguel Tanfelix, pinagusapan online sa part 1 ng 'Running Man PH' finale race

By Aedrianne Acar
Published September 8, 2024 10:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Running Man PH September 7 episode


Mga Pinoy Runners, ano-ano ang tumatak sa inyong moments ng part one ng 'Running Man Philippines: 'Runners in Borderland' race?

Tinutukan hindi lamang sa TV kundi pati online ang first-part ng Running Man Philippines finale race nitong Sabado, September 7.

Kung saan dalawang Runners ang talagang pinagusapan ng mga netizen sa final race na tinawag na 'Runners in Borderland.'

Una na diyan ang naging special participation ni Ruru Madrid sa season finale kung saan kinailangan niyang mag-disguise bilang Military Training Officer sa isang secret mission.

Kapag natapos ng pitong Runners ang kanilang tatlong training session na hindi siya nabuking, magkakaroon sila ng parusa.

Pero, nabigo si Black Rider at nahuli nila na siya na nagpapanggap na training officer.

Sunod-sunod ang comments at posts sa iba't- ibang social media platforms ng fans na sobrang na-miss si Ruru Madrid na mapanood sa phenomenal reality game show.

Miguel Tanfelix trends on X

Samantala, lumabas naman ang superhero vibes ni Miguel Tanfelix sa mission nila na kailangan nilang walo na mag-rappel sa isang mataas na tower.

Astig ang landing ng Sparkle heartthrob na talagang nagustuhan ng fans ng Running Man Philippines at nag-trending pa ang name ni Miguel sa X o dating Twitter Philippines.

Matatandaan na bumida si Miguel sa telefantasya series na Mulawin Vs. Ravena (2017) at sa live-action adaptation na Voltes V: Legacy na ipinalabas noong 2023.

RELATED CONTENT: RUNNERS IN KOREA