
Tila iisa ang naging sagot nina Ruru Madrid at Mikoy Morales (Team RUMI) pagdating sa usapang relasyon.
Sa isang YouLOL exclusive ng GMA comedy game show na The People Have Spoken, hinarap ng Protégé alumni ang tanong na: "Nasira mo ang regalo sa iyo ng jowa o asawa mo. Ano ang gagawin mo?"
Nagkatinginan na lamang ang dalawa, na tila pareho ang iniisip kung paano magre-react ang kanilang partner.
"Bro, wala na 'yun. Mahirap. Siguro, magtatago na lang ako," biro ng primetime action hero.
Ngunit para sa married man na si Mikoy, may naisip siyang solusyon.
"Ako, siguro bibili ng bago. Para...puwede pa. Para hindi mahalata," sagot ng Delivery Boi star.
Agad naman niyang nilinaw, "Hindi sa ginagawa ko 'yun a. Kung mangyari lang."
Mapapanood ang Team RUMI laban sa Team ANARRA, na binubuo ng StarStruck 6 batchmates Analyn Barro at Arra San Agustin, sa The People Have Spoken ngayong Sabado, 6:15 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.
Available din ang buong episodes at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok ngayong gabi sa game show para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: