GMA Logo Ruru Madria and Shaira Diaz in Tadhana
What's on TV

Ruru Madrid at Shaira Diaz, magtatambal ngayong October 30 sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published October 28, 2021 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras: (Part 2) Rambulan sa liga; LPA sa labas ng PAR; Sagot ni Sen. Marcoleta sa reklamong plunder; Hosts reveal ng "The People Have Spoken," atbp
Sports Cup sa Mandaue City, Gibuksan na | Balitang Bisdak
This immersive storytelling museum is inspired by a Korean tale

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madria and Shaira Diaz in Tadhana


Isang sawi sa pag-ibig at isang walang alaala, makahanap kaya ng pag-ibig sa isa't isa?

Ngayong Sabado, October 20, magtatambal sina Ruru Madrid at Shaira Diaz para sa isang heaven sent love story sa Tadhana.

Isa lamang ang panalangin ng heartbroken na si Vincent (Ruru Madrid) sa buhay - isang babaeng magmamahal sa kanya at hindi siya sasaktan.

Tila sinagot ang dasal ni Vincent nang isang babaeng walang alaala ang mapapadpad sa kanilang bahay.

Walang maalala si Angel (Shaira Diaz) sa kanyang nakaraan at makikituloy sa tahanan nina Vincent.

Unti-unting mahuhulog ang loob ng dalawa sa isa't isa. Si Angel na nga ba ang gamot upang maghilom ang sugatang puso ni Vincent?

Paano na lang kapag nahanap na si Angel ng tunay niyang mga mahal sa buhay?

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Hulog ng Langit ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7!

LOOK: Ruru Madrid's fitness transformation: