GMA Logo Ruru Madrid and Bianca Umali, Yassi Pressman and Luigi Villafuerte
Celebrity Life

Ruru Madrid at Yassi Pressman, masaya ang Valentine's Day

By Kristian Eric Javier
Published February 14, 2024 2:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Bianca Umali, Yassi Pressman and Luigi Villafuerte


Hindi maitago ang saya nina Ruru Madrid at Yassi Pressman sa tuwing mapag-uusapan ang kani-kanilang mga love life.

Masaya ang Valentine's Day ng Black Rider stars na sina Ruru Madrid at Yassi Pressman dahil sa kani-kanilang gumagandang love life.

Sa interview nila jay Lhar Santiago sa Chika Minute para sa 24 Oras kagabi, February 13, sinabi ni Ruru na kahit anim na taon na silang nasa isang relasyon ni Encantadia Chronicles: Sang'gre star Bianca Umali ay kinikilig pa rin siya dito at sa mga maliliit na gestures na ginagawa ng aktres para sa kaniya.

“Nasa All-Out Sundays kami at kinongratulate niya ako, nag-message sa akin sa tabi ko, kinilig ako,” sabi niya.

Dagdag pa ni Ruru ay nagkaroon siya ng panibagong lakas para ipagpatuloy ang ginagawa niya hindi lang sa industriya, kundi maging sa buhay.

Samantala, matapos i-hard-launch ni Yassi Pressman si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte sa kaniyang Instagram account ay mas sumaya siya.

“This makes me really happy. My heart's really really full right now,” ani ng aktres.

BALIKAN ANG MGA STUNNING CELEBRITY COUPLES SA 2023 GMA GALA DITO:


Ngunit malipat kaya ang ganda ng kanilang love life sa kanilang mga karakter na sina Elias at Bane sa Black Rider?

“Sa ngayon, siguro hayaan po muna natin silang ma-fall siguro sa kuwento, or maging magkaibigan pa lang naman po talaga 'yung dalawa e, si Bane atsaka si Elias,” sabi ni Yassi.

Dagdag pa ng aktres ay siguro talagang nakikita lang ng kaniyang karakter kung gaano ka-espesyal si Elias “bilang tao, bilang anak, bilang kaibigan.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Ruru sa tuluy-tuloy na suporta ng mga tao sa kanilang serye, at excited na ibinalitang marami pang papasok na malalaking action stars sa serye.

“I'm just very thankful sa nangyari at 'yun nga po, after po ng first win, and then nagtuloy-tuloy na, sunod sunod na, may mga times na gigising ako sa umaga at wala akong ibang sinasabi kundi salamat Ama,” sabi niya.

Isa ring karangalan para kay Ruru na matawag na lodi o idol ng mga delivery riders na trabaho ng kaniyang karakter sa serye.

Nag-iwan din ng mensahe at munting paalala si Ruru Madrid para sa mga bagong bayani ng kalsada, “Lagi po kayong mag-iingat sa inyong mga biyahe at pangako na gagawin ko lahat ng aking makakaya para maikuwento po ang mga nangyayari po sa inyong mga buhay.

Panoorin ang buong interview nina Ruru at Yassi dito: