GMA Logo Ruru Madrid
What's on TV

Ruru Madrid, balik na sa paggawa ng action scenes matapos ma-injure sa 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published August 30, 2023 2:53 PM PHT
Updated September 8, 2023 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Bumalik na sa paggawa ng action scenes si Ruru Madrid matapos magtamo ng injury sa upcoming series na 'Black Rider.'

Muli nang sumabak sa action scenes si Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid sa upcoming full action series na Black Rider matapos niyang magtamo ng injury.

Matatandaang nagkaroon si Ruru ng acute ligament injury sa kanyang kanang tuhod habang nagpe-perform ng isang fight scene.

Ayon sa aktor, tuluyan nang gumaling ang kanyang tuhod kaya nakabalik na siya sa pagsu-shoot ng maaakisyong mga eksena.

Ipinasilip niya ang isang mahabang fight scene na ginawa niya kamakailan.

Makikita sa video si Ruru na tumatakbo papasok ng isang abandonadong gusali at nakikipaglaban sa malaking grupo ng armadong kalalakihan.

"First fight scene after suffering an injury, tunay na walang imposible sa panginoon. Right now I'm fully recovered and ready for more action 🏍️🗡️," sulat ni Ruru sa kanyang Instagram account.

Isang post na ibinahagi ni Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Ibinahagi ni Ruru na naka-recover siya sa kanyang knee injury sa tulong ng physical therapist.

Samantala, nagsimula na rin mag-shoot ng ilang mga eksena para sa serye ang kanyang leading lady na si Yassi Pressman.

SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO:

Abangan ang Black Rider, soon on GMA Telebabad.