GMA Logo Ruru Madrid
Photo: rurumadrid8 (Instagram)
What's Hot

Ruru Madrid, balik-Pilipinas at diretso trabaho na

By Marah Ruiz
Published March 19, 2025 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga pulis, nagulat kung sino ang hinabol nilang carnappers | GMA Integrated Newsfeed
Stolen motorcycle traded for alleged shabu recovered
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Nakabalik na sa Pilipinas at dumiretso na sa trabaho si Ruru Madrid.

Back to work na si primetime action hero Ruru Madrid ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas.

Lumipad patungong Amerika si Ruru para mag-attend sa special screening ng kanyang award-winning film na Green Bones sa Manila International Film Festival sa Los Angeles.

Minabuti na rin niyang mamasyal habang sa Beverly Hills.

Sa pagbalik ni Ruru sa bansa, agad siyang sumabak sa trabaho, partikular sa taping ng kanyang primetime action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Photo: rurumadrid8 (Instagram)

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang ilang photos at videos ng pagbabalik niya sa trabaho.

Makikita rito ang ilang pictures niya mula sa set, mga kuha niya sa gym, pati na ilang selfie.

"A glimpse of the everyday ☀️," sulat niya sa caption ng kanyang post.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Samantala, sa ika-siyam na linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan, nauubos na ang oras ng karakter ni Ruru na si Lolong para maibalik sa Isla Pangil ang Ubtao, isang sagradong hiyas na nakakapagpagaling.

Kung hindi niya ito maibabalik sa lalong madaling panahon, lahat ng taong pinagaling ng Ubtao ay mamamatay.

Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

SILIPIN ANG US TRIP NI RURU MADRID DITO: